Araw ng Manggagawa ( written on 1st of May 2011 )

para kay mamang tsuper
usok at polusyon araw-araw mong kaaway
munit ito'y di naging sagabal sa pasaherong kakaway
sa tungkuli'y di naging sagabal
tunay na maaasahan na kami'y ligtas na makararating salamat sa iyo

para kay ale sa palengke
baho at lansa maghapon mong nalalanghap
mabenta lang ang panindang aking hanap
pagod sa pagsigaw ni minsa'y di mo nireklamo
panawid gutom ng mag-anak ko ay utang ko sayo, salamat sa iyo

para kay kuya sa pabrika
maghapong trabaho di naging hadlang sa iyong galing
likha moy aking tatangkilikin
ating ipagmalaki ang sariling atin
ako'y nakilala sa likha mong kay ganda, salamat sa iyo

para sa mga alwagi
kampante akong magpahinga sa bahay na gawa mo
sa bawat gusaling naitatayo mo marka nito ang tiyaga ninyo
sa bawat pag puk-pok at paglagari mo
utang namin ang opisina, ospital, pabrika atbp. sa taglay mong talino salamat sa iyo

para sa mga guro
pagbasa't pagsulat iyong itinuro
tiyaga sa pagpuyat para kami'y matuto
kaalaman ay tunay na utang sa iyo
kinabukasan ko'y naging matatag salamat sa iyo

Comments

Popular Posts